Sagot :
Answer:
Isyu ng Wika
Kinapanayam 1:
Ayon sa unang tao na aking kinapanayam, nararapat lamang na ipagmalaki ng mga Pilipino ang kanilang wika at kailangang gamitin ito palagi. Mas maganda din daw kung pati sa mga opisyal na pagtitipon ay sariling wika nalang ang gagamitin.
Kinapanayam 2:
Ayon sa ikalawang tao na aking kinapanayam, kailangang mahasa din sa mga wikang banyaga ang mga Pilipino, kagaya ng Ingles, Espanyol, at marami pang iba. Ayon sa kanya, nasa ilalim na daw ng globalisasyon ang buong mundo at magiging kalakasan ng mga manggagawang Pilipino kung marami silang alam na wika.
Kinapanayam 3:
Ayon sa ikatlong tao na aking kinapanayam, mahalaga na magkaroon ang Pilipinas ng isang wikang magagamit ng lahat. Maraming wika ang ginagamit sa bansa, at makabubuti kung may iisang wika na magbubuklod-buklod sa lahat.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng wika, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/2335982
#BrainlyEveryday