Sagot :
SAGOT:
Ang denotasyon ay ginagamit kung nais ng isang may-akda na maunawaan ng mambabasa ang isang salita, parirala, o pangungusap sa literal na anyo nito, nang walang ibang ipinahiwatig, naiugnay, o iminungkahing kahulugan.
Mga halimbawa ng denotasyong pangungusap:
→ Pauwi na siya sa kaniyang tahanan.
- Ang denotasyon o ang literal na kahulugan ng salitang "tahanan" ay ang bahay kung saan nakatira ang isang tao.
→ May daga na kumain ng sapatos ko!
- Ang denotasyon o ang literal na kahulugan ng salitang "daga" ay isang hayop na nasa pamilya ng mga rodent.