👤

ano ano ang mga kilos o gawain na nagpapakita ng pagiging responsable. yung maiksi lang po​

Sagot :

Answer:

Responsable

Ang pagiging responsable ay ang pagkakaroon ng obligasyon o responsibilidad na isakatuparan ang isang kilos o gawi. Nakapaloob dito  ang tungkulin na dapat magampanan ng naayon sa kilos.

Mga halimbawa ng kilos o gawain na nagpapakita ng pagiging responsable

  • pag-aaral ng mabuti  
  • pagiging isang mabuting tao sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa
  • pagtupad sa mga binitawang pangako
  • pagsunod sa mga batas at patakaran ng lipunan
  • pagsunod sa mga utos ng Diyos
  • pagkakaroon ng respeto, paggalang at pagmamalasakit sa kapwa
  • pagmamahal sa sarili, sa pamilya at sa kapwa
  • pagiging isang mabuting mamamayan  

Bilang isang tao, nararapat lamang na maging responsable tayo sa ating mga kilos at mga responsibilidad na dapat gampanan upang mapaunlad ang ating sariling kakayahan at talento bilang taong may pananagutan.

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa link na:  

brainly.ph/question/233327

#LetsStudy