👤

Gawain 1. Ihanay Mo Ako!
Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Tukuyin kung alin sa
sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na
komunikasyon sa pamilya o sa lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga Sitwasyon:
A. Hindi nagpansinan ang magkaibigang Kareyl at Cyrel dahil sa mensaheng
ipinaabot ng kaklase kay Kareyl na nagsasabing, “Kareyl alam mo bang
pinagloloko ka lang ng tinuturing mong kaibigan. Sinisiraan ka niya kapag
hindi kayo magkasama. Dati nga sinabi niya sa akin na mukha kang pera
kaya nakipaglapit ka sa kanya tapos mahilig kang gumamit ng mga bagay
na hindi sa iyo.”
B. Pasigaw na nagtatalo ang mag-asawang Ian at Lea dahil sa magkaibang
paraan ng pagdidisiplina nila sa anak. Dumating pa sa puntong may mga
masasakit na salita ang binibitawan. Sa huli ay parehong nagsasabing,
"Hindi solusyon ang pagtatalong ito kung hindi tayo magkakasundo sa
iisang bagay. Ang kapakanan ng ating anak ang pinag-uusapan, nararapat
lang mauwi ang usapang ito para sa kanya.”
C. Habang kumakain ay nagkukwentuhan ang mag-anak tungkol sa mga bagay
na ginawa nila buong araw, nang sa kalagitnaan ng pag-uusap ay biglang
napatigil sa pagkain ang isang anak, tumayo ito at humakbang papasok sa
kanyang silid. Nagalit ang ama dahil sa ginawa nito. Pilit niya itong pinaupo
pabalik sa hapag kainan ngunit hindi lang ito kumibo. Mas lalong nagalit
ang ama na dahilan ng pagkapalo nito sa kanya at tahimik siyang lumuha.
D. Tumawag si Mark sa kanyang asawang nasa Pilipinas upang linawin ang
mga isyung kaniyang narinig tungkol sa pangangaliwa ng asawa at
pagkakaroon ng anak sa ibang lalaki.
Natakot siyang malaman na totoo ang
isyu bagama't mas nangibabaw ang takot na baka masira ang kanilang
relasyon dahil sa paniniwala sa walang katotohanang isyu at pagdududa na
maaaring humantong sa pagkawala ng kanyang tiwala. Habang nagsasalita
si Mark ay tahimik lang na nakikinig ang asawa sa kabilang linya
pagkatapos ay sinabing,” Bahagya akong nalungkot sa mga narinig ko
bagama't malaki ang aking pasasalamat na tinanong mo ako bago mo
pinaniniwalaan ang sabi-sabi ng ibang tao. Wala akong iba at matiyaga
akong naghihintay sa iyong pagbabalik. Mahal na mahal kita, iyan ang
totoo."
E. Nagtatalo ang magkapatid na Cian, Carl, Cheryl at Charlyn sa pag-uusap
nila sa video call tungkol sa sitwasyon ng kanilang ina na nangangailangan
ng pag-aaruga dahil sa sakit na iniinda. Sa kabila ng pagtatalo ay nagplano
silang lahat na umuwi na lang muna sa Pilipinas at doon na pag-uusapan
ang maaaring gawin para sa ina na hindi naman mahihirapan ang
kani-kanilang mga pamilya.
F. Sinasarili ng mag-asawang Joseph at Josefa ang problema tungkol sa pera.
Hindi na nila kayang tustusan ang ibang pangangailangan ng anak sa kabila
ng kanilang pagsisikap na maibigay ito. Nahihiya silang aminin sa anak na
hindi pa muna nila maipagbili ng bagong cellphone at damit. Hiningi lang
din ito ng anak sa pagbabakasakaling walang problema ang magulang
sapagkat hindi rin naman nila pansin na nahihirapan na ang mga ito dahil
ni minsan ay hindi sila tinanggihan nito.
Kawalan
ng
bukas na Komunikasyon
Pagkakaroon ng bukas na
Komunikasyon​