👤

Konsepto: Ang Pinagmulan ng Pangalan ng Aking komunidad
Ano ang alam ko tungkol sa
pangalan ng aking komunidad?
Ano pa ang gusto kong
malaman?
Paano ko ito malalaman?
Ano ang dapat kong matuklasan tungkol sa pangalan ng aking
komunidad?​


Sagot :

Answer:

Pinagmulan ng Pangalan ng Aking Komunidad

Ako ay nakatira sa bayan ng Pulilan, Bulacan, at alam ko ang kasaysayan ng aking komunidad dahil sa mga nabasa kong libro. Ayon sa mga historyador, ang pangalan ng Pulilan ay nagmula sa dalawang salitang Tagalog na “pulo” at “iilan”. Ang ibig ipahiwatig ng pangalan ng aking pamayanan ay “pulo ng iilan”, sapagkat sa bayan ng Pulilan, may ilang mga pulo ang makikita sa Ilog Angat. Mayroon ding sitio sa Barangay Lumbac na kung tawagin ay “pulo”.

Sa kasalukuyan, ang Pulilan ay isa sa mga mayayamang bayan sa lalawigan ng Bulacan. Tuwing Mayo 15, ipinagdiriwang sa bayang ito ang Kneeling Carabao Festival, kung saan ang mga kalabaw ay lumuluhod sa tapat ng simbahan ng bayan para kay San Isidro Labrador.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa etimolohiya ng mga lugar sa Pilipinas, bisitahin lamang ang link na ito:

https://brainly.ph/question/455244

#BrainlyEveryday