Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto at Mali kung ito ay hindi
wasto.
1. Kung negatibo ang relasyon ng presyo at demand, nagpapakita ito ng
tuwirang ugnayan nito.
2. Nasisiyahan ang mga konsyumer kung mataas ang presyo ng bilihin.
3. Tanging presyo lamang ang nakakapagpabago sa demand.
4. Ipinapakita sa kurba ng demand ang di tuwirang relasyon ng presyo at
demand.
5. Ayon sa batas ng demand, ang pagtaas ng presyo ng bilihin ang nagiging
dahilan kung bakit bumababa ang demand.
6. Ang demand ay maituturing na independent variable sapagkat
napapagalaw nito ang presyo.
7. Dahil sa pandemic bumaba ang presyo ng petrolyo, kung mabubuksan
na ang pampublikong transportasyon, dadami ang gustong bumili nito
ayon sa batas ng demand.
8. Ang ceteris paribus ay nagpapaliwanag na hindi lamang presyo ang
nakakapagpabago sa demand.
9. Sa demand schedule makikita na tuwiran ang relasyon ng presyo at
demand.
10. Ang demand function ay grapikong paglalarawan ng relasyon ng presyo
at demand.