👤

15 mahahalagang impormasyon tungkol sa konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito​

Sagot :

Answer:

Subukin Ang pag-unlad ng agrikultura ang nagtakda ng malaking pagbabago sa buhay ng sinaunang tao. Napagtanto ng mga sinaunang tao ang kahalagaan ng maayaos at organisadong pamayanan upang matugunan ang kanilang mga pangangailamgan. Sila ay bumuo ng pamunuanna hindi naglaon ay naging isang organisadong pamahalaan. Ito ang nagpasimula ng mga lungsod-estado na pinag- usbungan naman ng mga kondisyong higit na masalimuot na buhay na kung tawagin ay kabihasnan. “Paninirahan sa lungsod “ ang orihinal na kahulugan ng kabihasnan o sibilisasyon. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang maunlad na kalagayanng nalinang ng mga taong naninirahan ng pirmuhan sa isang lugar sa loob ng nakatakdang panahon.Ang kabihasnan ay ang unang nalinangsa mga ilog-lambak. Ang mga asyano sa mga ilog-lambak ng tigris at Euphrates, Huang at Indus ay nagsimula nang mamuhay nang pirnihan at linangin ang kanilang kabihasnan Ang mga pag-unlad na nagawa ng tao sa mga panahong ito ay tinaguriang Rebolusyong Neolithic. Ang mga tao ay nagsimulang mamuhay nang pangkat- pangkat sa maraming lupain sa daigdig.

3. Paano ginampanan ng sinaunang makasaysayang kabihasnan ang paghubog at pagpapaunlad ng pagkakakilanlang Asyano? Tuklasin  Mga Katangian ng Kabihasnan Mula nang matutuhan ng mga tao ang pagsasaka at paghahayupan, naiangat nila ang kanilang kalagayan mula sa buhay-pangangao at pag-iimbak ng pagkain tungo sa pagpaparami at pagpapalago ng pagkain at likas na yaman. Natutunan din ng mga taong gumawa ng mga palayok gamit ang luwad. Sa isang pagkakataon ay natuklasan nila ang tanso at dito nagsimulang gumawa ang mga tao ng mga kagamitan at sandata gamit ang kauna-unahang tuklas na metal na ito. natuklasan ng nga tao ang paggamit ng higit na matibay na metal,ang bronze. Ito ay sinundan ng bakal na matigas at mainam. Ang mga kagamitang gawa sa metal ay natuklasang gamit na ng nga tao sa sinaunang kabihasnan ng Tigris at Euphrates, Huang, at Indus.  Matatag na Pamahalaang may Maunlad na Batas at Alituntunin Sa kabila ng masaganang kabuhayang alay ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang, may mga panahon din namang naging mapaminsala ang mga ito. Ang pag-apaw ng mga itoay nagdulot ng labis na pagbaha na nakasira ng mga pananim at ikinabubuhayng tao. Bunga nito, kinakailangan ng mga taong gumawa ng mga dike at kanal upang mapigila ang pagbaha,magkakaroon ng patubig, at maipagpatuloy ang kanilang pagsasaka sa panahon ng tag-tuyot.

Explanation: