👤

1.
Likas sa isang maliit na barangay ng Lomboy ang pagiging masigasig ng mga
magulang upang mapaaral ang mga anak. Karamihan sa nakatira dito ay
nagtatrabaho sa palaisdaan bilang tagabantay. Ang pagiging tagabantay ng isang
palaisdaan ay nakasalalay ang ikinabubuhay ng mga taga-Lombay. Sa kabila ng
kahirapan sa buhay, sadyang pinaaaral ng mga magulang ang kanilang mga
anak. Karamihan din sa mga pamilya dito ay kinabibilangan ng malalaking mag-
anak na anim ang pinakamababa na bilang ng isang mag-anak. Kaya marami sa
mga mag-anak dito ay nakapagtapos ng kanilang mga anak at naging
matagumpay. Mayroon na silang guro, inhenyero, accountant at karamihan ay
nagtatrabaho sa mararangal na opisina. Nabigyan ng parangal ang barangay na
ito dahil tagumpay ng pamilya ay tagumpay din ng barangay
A. Ang Barangay Lomboy
B. Ang Marangyang Barangay
C. Ang Matagumpay na Barangay
D. Ang Tagumpay ng Pamilya ay Tagumpay din ng Barangay​