Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Paano mo ipapakita ang
pagdamay sa kapuwa.
1. Nasunog ang bahay ng isa mong kamag-aral na nakatira sa kabilang
barangay. Kasama sa tinupok ng apoy ang mga damit ng buong pamilya
kabilang na ang uniporme ng inyong kamag-aral. Dahil dito, hindi
nakakapasok sa paaralan ang inyong kamag-aral. Nag-usap-usap kayong
magkakamag-aral at napagkasunduan ninyong tumulong. Ano ang maaari
ninyong gawin upang madamayan ang inyong kamag-aral?
O