👤

Ito ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.

Select one:
A. Kolonyal
B. Kolonyalista
C. Komunismo
D. Kolonyalismo


Sagot :

Answer:

Kolonyalismo

Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa, kaya ang tamang sagot ay letrang D.

Explanation:

Upang mas lalo mong maintindihan ang mga salita na nasa pagpipilian, narito ang ibig sabihin nila:

  • Kolonyal – ito ay isang adjective na tumutukoy sa uri ng pamahalaan na ginagamit sa ilalim ng kolonyalismong patakaran.
  • Kolonyalista – sila ang mga taong nagmula sa bansang nais magtayo ng mga kolonya. Isa sa magandang halimbawa ng mga kolonyalista ay si Miguel Lopez de Legazpi na nagtayo ng kolonya sa Pilipinas para sa Espanya at sila Francisco Piz zaro at Hernan Cortes na tumapos sa emperyong Aztec at Inca.
  • Komunismo – ito ay ang ideyang unang inilatag ni Karl Marx na nagsasabing upang makamit ang pagkakapantay-pantay, dapat ay pag-aari ng estado ang lahat ng bagay.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kolonisasyon, bisitahin lamang ang link na ito:

https://brainly.ph/question/419185

#BrainlyEveryday