👤

Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
( Patakarang pang-ekonomiya)
PANUTO: Tukuyin ang salitang binibigyang-kahulugan sa sumusunod na pangungusap. Guhitan ang
tamang sagot
1. Ang ( encomienda / bandala ) ay ang sistema kung saan binibigyang-karapatan ang mananakop
na pamahalaan ang isang teritoryo at mga mamamayan nito.
2. Ang (polo / tributo ) ang patakaran sa sapilitang paggawa.
3. Ang (boleta / Obras Pias) ay ang tiket na nagbigay-karapatan sa mga mangangalakal na
makilahok sa kalakalang galyon.
4. Ang (Samboangan / falua ) ay ang buwis na binayaran ng mga taga-Zamboanga sa mga Espanyol
para sa pagsupil sa mga Moro.
5. Ang (vinta / samboangan) ay ang buwis na binayaran ng mga naninirahan sa may pampang ng
kanlurang Luzon bilang tulong sa pagdepensa ng mga lalawigan dito mula sa banta ng mga
Muslim.
6. Ang (bandala /boleta ) ay ang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga
magsasaka sa mababang halaga.
7. (Gobernadorcillo / Encomendero ) ang tawag sa mga pinunong Espanyol na nabigyan ng
karapatang sakupin at pamunuan ang isang teritoryo at mga mamamayan nito.
8. Ang ( tributo / falla) ay ang buwis na binayaran ng kalalakihan upang maligtas sila mula sa
sapilitang paggawa.
9. Ang ( tributo / bandala ) ay ang sistema ng pagbubuwis ng salapi o katumbas na halaga nito sa
ani.
10. (Boleta / Polista) ang tawag sa mga manggagawa sa sapilitang paggawa.​


Sagot :

Answer:

  1. encomienda
  2. polo
  3. boleta
  4. falua
  5. vinta
  6. bandala
  7. Encomendero
  8. falla
  9. tributo
  10. Polista