👤


1. Ang mga sumusunod ay mga kahulugan ng salitang emosyon maliban sa______.

a. Ang emosyon ay matinding sama ng loob at pag-ayaw sa isang tao o bagay dahil nakpagdulot ito ng hindi magandang bagay.

b. Ang emosyon ay likas na reaksiyon ng tao na dulot ng pinagsama-samang aspektong pagkapukaw.

C. Ang emosyon nagbibigay ng buhay, kulay at saysay sa buhay ng tao.

2. Ang pagkagalit (Anger) ay isa sa pangunahing emsoyon ng tao na dapat maunawaan na nagsasaad ng _______.

a. Ito ay emosyong may matinding sama ng loob at pag-ayaw sa isang tao o bagay dahil nakapagdulot ito ng hindi
magandang bagay o sakit sa iyo o sa ibang tao.

b. Ito ay positibong emosyon o paghihintay sa isang magandang mangyayari sa hinaharap.

c. Ito ay emosyong matanggap ang inaalay o ibinibigay dahil sa pagtanggap ng iba.

3. Ang pagtanggap (Acceptance) ay nagsasaad ng emosyon na______.

a. Ito ay emosyong matanggap ang inaalay o ibinibigay o emosyong matiwasay dahil sa pagtanggap ng iba.

b. Ito ay emosyong dulot ng isang biglaang pangyayari o bagay na hindi inaasahan.

c. Ito ay pagkahapis o pagdalamhati kaugnay ng pagkawala ng mahal sa buhay o isang malaking bagay.

4. Ito ay mataas na kamalayan at epektibong kasanayan upang mapangasiwaan ang emosyon nang may makatuwiran at
maliwanag na pag-iisip, para sa mapanagutang pakikipagkapuwa.

a. Emotional Quotient (EQ)Emotional Inteligence

b. Pagkagalit (Anger)

c. Intrapersonal na kagalingan

5. Paano maipapakita ang pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba?

a. Magkaroon ng pag-unawa sa emosyon ng iba. Sikaping ilagay ang sarili sa kanilang sitwasyon.'

b. Mahalagang piliin natin na mapangasiwaang mabuti ang gating mga emosyon.

C. Hikayatin natin ang ating sarili na matutuhang tumuon sa maingat na paglilimi at repleksyon.

6. Ang_______ay mahalagang birtud upang mahusay na mapamahalaan an gating mga emosyon at nakabubuti
sa tao ang mag-isip ng maigi kung ano ang kaniyang dapat gawin sa panahon na siya ay nakararanas ng krisis o pagkalito.

a. Maingat na paghuhusga

b. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan

C. Kamalayan sa sarili