Sagot :
Answer:
Kapangyarihan ng prayle sa kolonyalismo
Ang mga prayle ay nagkaroon ng ibayong kapangyarihan lalo na noong panahon ng kolonyalismo sapagkat sila ang nagsilbing pinuno ng bansa. Malaki ang impluwensya ng relihiyon sa pamamalakad ng Pilipinas. Ang pangunahing dahilan kung bakit tayo sinakop ng mga espanyol ay upang ipakalat ang relihiyon. Itinuturing sila bilang mga guro at lider na dapat sinusunod.
Bukod dito, ang mga prayle ay tinitingnan bilang mga tagapagsalita ng Diyos. Iniisip ng mga pilipino noon na sila ay lalong mapapalapit sa Diyos kung kanilang susundin ang mga prayle. Matatag din ang pananampalataya ng mga sinaunang pilipino sa mga prayle
Answer:
Dahil ang ginamit noong nanakop ang mga Espanyol ay Kristyanismo, at ang mga Prayle ay malapit sa Diyos kaya lagi silang sinusunod ng mga tao.
Explanation:
Kung sinuway ang mga utos ng Prayle ay ituturing kang kaaway ng Diyos o masamang tao dahil parang sinuway mo na rin ang salita ng Diyos.
Dahil sa kapangyarihan na iyon ay inabuso ito ng mga Prayle at sinamantala nila ang mga Pilipino at ang Kristyanismo.
Sinasabi rin noon para hindi sumuway ang mga Pilipino sa mga mahihirap na utos ay may pwesto naman sila sa langit kaya ayos lang na naghihirap sila rito sa mundo.