Sagot :
Answer:Idyoma
Ang idyoma o sawikain ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Halimbawa ng idyoma na may kahulugan na ginamit sa pangungusap
butas ang bulsa - walang pera
Butas na ang bulsa ni Mik dahil nawala ang kanyang pitaka habang nagalakad.
ilaw ng tahanan - ina, nanay
Ang mga ilaw ng tahanan ang nag-aalaga sa mga anak.
bukas ang palad - matulungin
Si John ay bukas ang palad lalo na sa mga taong nangangailangan.
ibaon sa hukay - kalimutan
Nagpasya si Marjorie na ibaon sa hukay ang lahat ng ala-ala ng kanyang kasintahan.
amoy pinipig - mabango
Amoy pinipig ang buaklak na sampaguita.
kabiyak ng dibdib - asawa
Maswerte si Sarah sa kanyang napakabait at napakabuting kabiyak ng dibdib.
lantang gulay - sobrang pagod
Mukhang lantang gulay si Mark paguwi sa bahay dahil sa maghapong paghahanabuhay.
nagsusunog ng kilay - masipag mag-aral
Palaging nagsusunog ng kilay si Mj kaya nakamit niya ang unang karangalan sa kanilang klase.
Iba pang Halimbawa ng Idyoma
- pag-iisang dibdib - kasal
- makapal ang palad - masipag
- kilos pagong - mabagal
- anak-dalita - mahirap
- bukal sa loob - mabait
- usad-pagong - mabagal
- alog na ang baba - matanda na
- mahigpit na pamamalakad - malupit
- sariwa sa alaala - hindi makalimutan
- bakas ng kahapon - nakaraan, alaala ng kahapon
- hinahabol ng karayom – may sira ang damit
- parehong kaliwa ang paa – hindi marunong sumayaw
- parang suman – masikip ang damit
- isip bata - walang muwang
- huling baraha – natitirang pag-asa
- mahaba ang buntot - palaging nasusunod ang gusto
- nahuhulog ang katawan - payat o namamayat
- may gatas pa sa labi - bata pa
- nanunungkit ng mga bituin - mataas ang pangarap
- nakakuha ng kalabasa - bagsak
Explanation:#carryonlearning