Gawain 3: Tuklas-Kaalaman Pagyamanin ang kaalaman tungkol sa paksang globalisasyong ekonomiko. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot ng sumusunod. 1. Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng multinational at transnational companies sa Pilipinas gamit ang aklat at internet. Iminumungkahi rin ang paghingi ng impormasyon sa mga kakilalang eksperto. 2. Tukuyin kung alin sa mga ito ang may operasyon sa ating bansa at kung ito ay may kakompetensyang lokal na namumuhunan. 3. Isa-isahin at ipaliwanag ang mabuti at di-mabuting epekto ng MNCs at TNCs sa ekonomiya ng bansa. Pamprosesong mga Tanong Sagutin ang mga sumusunod at isulat sa papel ang sagot. 1. Paano nakatutulong ang mga multinational, transnational corporations at outsourcing sa pag-unlad ng bansa? Patunayan ang sagot. 2. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng outsourcing at multinational at transnational corporation sa ating bansa? 3. Sa kabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang mga pagbabagong nabanggit? Pangatuwiranan