👤

Panuto: Sumulat ng talata na naglalarawan sa iyong ama. Gamitin ang mga angkop
na pang-uri sa paglalarawan​


Sagot :

Pang-uri

         Ang pang-uri ay tumutukoy sa mga salita na naglalarawan sa isa o higit pa na tao, bagay, hayop, o lugar. Mayroon ding wastong paggamit upang magkaroon ng kaayusan sa ating paglalarawan.

Talata na Naglalarawan sa Aking Ama

         Ang aking ama ay mayroong katangian na mapusyaw na balat. Siya ay kadalasang napagkakamalan na nagmula sa ibang bansa o di kaya naman ang kanyang ama o ina ay hindi Pilipino. Siya ay matangkad na lalaki at sinabi niya sa akin na noong kanyang kabataan ay maraming babae ang nagkagusto sa kanya. Kumikinang ang kanyang mga mata sa tuwing ito ay natatamaan ng liwanag. Mahalimuyak din ang kanyang natural na amoy na para bang katulad ng sa sanggol.

         Matalino ang aking ama pagdating sa mga impormasyon. Madiskarte din siya sa buhay kaya naman napagtapos niya kaming magkakapatid. Mahusay din siya sa pagkanta kaya naman parating nabibihag ang puso ng aming ina. Mapagmahal ang aking ama at matulungin hindi lamang sa amin na kanyang pamilya, kundi ganun din sa kanyang mga kaibigan at kapwa. Masasabi ko na ang aking ama ay isa sa aking inspirasyon at ninanais na tularan.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Tatlong Antas ng Pang-uri:

https://brainly.ph/question/865897

#SPJ1