Sagot :
Answer:
Mga Responsibilidad ng mga Magulang
Ano ang magkatuwang na mga responsibilidad ng mga mag-asawa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak?
Ang bawat tao ay may mahalagang bahagi sa kanyang pamilya. Sa pamamagitan ng mga propeta ipinaliwanag ng Panginoon kung ano ang dapat maging asal at damdamin sa isa’t isa ng mga ama, ina, at mga anak. Bilang mga mag-asawa at mga anak, kailangan nating malaman kung ano ang inaasahan ng Panginoon na gagawin natin upang magampanan ang ating layunin bilang isang pamilya. Kung gagampanan nating lahat ang ating bahagi, walang hanggan tayong magkakasama-sama.