Sagot :
Answer:
1. Pangngalan • Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari. • Dalawang uri ng PANGNGALAN: 1. Pangngalang Pambalana • Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari • Halimbawa: lapis, papel, babae, lalaki, simbahan, ibon
2. 2. PANGHALIP• Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan. Uri at Halimbawa: 1. Panao - ako, siya, sila 2. Paari - akin, kaniya, kanila, amin 3. Pananong - sino, ano, kailan 4. Pamatlig - dito, doon 5. Pamilang - ilan, marami 6. Panaklaw - madla, pangkat
3. 3. PANDIWA • Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Uri ng Pandiwa: 1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno. Halimbawa: Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral. 2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena. 3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi.
4. 4. PANGATNIG • Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap. Uri ng Pangatnig at halimbawa: 1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan. Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
5. 2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob. Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain. 3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan. Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban. 4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
6. 5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan. Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga. 6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita. Halimbawa: At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod. 7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari. Halimbawa: Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.
7. 5. PANG-UKOL• Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon. • Dalawang pangkat ng Pang-ukol 1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa. Mga Halimbawa: 1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin. 2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus 3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala. 4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.
8. • 2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay. Mga Halimbawa: 1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria. 2. Para kay Juan ang pagkaing ito. 3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema. 4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat. 5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
9. 6. PANG-ANGKOP • Ang PANG-ANGKOP ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.
10. • Uri ng PANG-ANGKOP 1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay. Halimbawa: Ang malinis na hangin ay ating kailangan. Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig. 2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u). Halimbawa: Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha. Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos sa titik i na isang patinig.
Answer:
halimbawa ng pangamba
Home
Uncategorized
halimbawa ng pangamba
Explanation:
Heto Ang Mga Halimbawa Ng Mga Malalim Na Salitang Filipino/Tagalog. Tagalog. Translated versions are available from psychologytools.com . Awit – Ito ay madamdamin at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag – ibig kawalang pag – asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. Hinimok namin siya ni Itay na mahiga. Ginugol namin ni Itay ang nakaraang linggo sa pag-aalaga sa kanila at pagsisikap na magawa ang mga gawaing-bahay. Ang pagpatay, anumang uri ng karahasan, at pang-aabuso ay paglabag sa karapatan ng taong mabuhay nang Malaya, payapa, at walang pangamba. Halimbawa, ang pananakit ng tiyan sa kahit anong parte ng tiyan, likod, pati pag-ihi, at pagsusuka bago sumakit ang tiyan. Hanap ko’y serbisyo at produkto na makasasagot sa aking pangangailangan. Dahil dito, gumawa si Jose Rizal ng mga tula kah