👤

Ano ang tawag kapag ang wika ay lubos na ginagamit sa pagdukal ng kaalaman


Sagot :

Answer:

Ang tema natin ngayung buwan ng wika ay  “Filipino :Wika ng karunungan “  Bakit nga ba tinuring na wikang karunungan ang Filipino ?

Bawat pangkat sa atin ay may ibat ibang wika na ginagamit. Pero meron lamang tayung natatanging wikang ginagamit bilang wikang pang kalahatan daan sa mubuting pakikipag kumunikasyon sa bawat isa at gayun din sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan, at ito  ang wikang Filipino.

Ang wikang Filipino ay may ibat-ibang gamit sa ating pang araw-araw na buhay, ito ay ginagamit sa pagreregulasyon , pang motibasyon,  pang iteraksyon at higit sa lahat ito ang nagsilbing daan sa pagkamit ng kaalaman.

Ang wikang Filipino ay may malaking ginagampanan sa ating buhay sapagkat susi ito para masagip tayu sa kamangmangan. Ang wikang Filipino ang dahilan kung bakit naging propisyonal ang ibang Pilipino , at ito rin ang dahilan kung bakit maraming kabataan ngayun ang nakapagtapos ng pagaaral. Dahil sa wikang Filipino ay napasapasa ng mga tao ang kanalang kaalaman sa kanilang kapwa, kaya marami sa atin ang nagkaroon ng maraming kaalam at naging matalino na sa pagharap ng buhay.  

Hindi mo ba napansin na kapag tayo ay nahihirapan sa pag intindi ng mga salitang ingles ay sinasalin natin ito sa wikang Filipino upang lubos natin itong mauunawaan, dito makikita natin ang kahalagahan ng wikang filipino sa pagkamit ng kaalaman natin.

Sa ating paghahanap ng trabaho alam naman natin na wikang ingles ang syang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pagsagut ng mga interbyu, subalit matututu kaya tayung mag ingles kung wala angwikang Filipino? Alam naman natin na wikang Filipino ang unang wika na natutunan natin kesa sa Ingles, kaya naging pangunahing instrumento ang wikang Filipino upang mas maunawaan natin ang salitang ingles.

Hindi rin naman natin maiitatangi na ang mas ginagamit ng ating pag-aaral ngayun ay wikang ingles subalit ginagawa lang ito ng gobyerno para mas masanay tayu sa ingles at hind maging utal sa pakikipag usap ng mga banyaga. Pero wag natin dapat kalimutan ang ating sariling wika ang Filipino na syang daan sa pagkamit natin ng mga kaalaman at daan sa pagkawala ng ating kamang mangan.

Kung wala ang wikang Filipino ay malamang tayung lahat ngayon ay puro mga mangmang. Kaya ang wikang Filipino ay masasabi nating wika ng karunugan dahil sa pamamagitan nito ay maipahatid natin sa bawat isa ang mga kaalam at karunugan sa ating kapwa sa mas madaling paraan at mas malinaw at madaling maunawaan.