Sagot :
Answer:
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
Ang teorya ay isang magkakaugmang pangkat ng nasubukan nang panglahatang mga mungkahi, na itinuturing bilang tama o tumpak, na maaaring gamitin bilang mga prinsipyo ng paliwanag at prediksiyon (hula) para sa isang uri ng kababalaghan.
Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.