Sagot :
Polo Y Servicio
Answer:
Ang sagot ay Polo Y Servicio. Ito ay tumutukoy sa patakaran ng sapilitang paggawa para sa mga kalalakihan na mayroong edad 16-60. Ito ay ipinatupad ng mga Espanyol noong 1580 na kung saan ang sapilitang paggawa ay tumatagal ng halos 40 na araw. Ang mga tawag sa mga manggagawa na kabilang sa patakaran ay ang mga polista.
Ang Polo Y Servicio ay itinuturing din bilang pagpapakita ng pagsisilbi sa pamahalaan ng Espanyol. Ang mga polista ay tumutulong sa pagpapatayo ng mga tulay, simbahan, at iba pang gusali na mahalaga sa pamamalakad ng bansa. Ang mga taong hindi gumagawa ay kinakailangang magbayad ng multa o falla.
Para sa karagdagang kaalaman:
- Kahulugan ng Polo Y Servicio https://brainly.ph/question/454777
#LetsStudy