👤

Ang talinghaga tungkol sa ubasan

Sagot :

Answer:

Ayon sa iba makikilala mo ang iyong sarili kung maihahambing mo ito sa ibang tao.  Ang parabulang "Talinghaga ng May-ari ng Ubasan” ay tungkol sa mga pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Sa mundong ating ginagalawan hindi mahalaga ang haba o ang tagal ng paggawa/paglilingkod sa lumikha, lahat tayo ay pantay-pantay, hindi mahalagang punain ang gawain nang iba bastat alam mo na tama ang iyong ginagawa iyon ang mahalaga. Ang mga aral na mapupulot dito tulad ng paggawa ng buong puso, pagtitiwala at pagsunod nang naaayon sa kanyang kagustuhan ay  magsisilbing patnubay sa ugnayan at marangal na pamumuhay ng mga tao sa lipunang ating ginagalawan. Hindi lamang nito  pinauunlad  ang mabuting asal na dapat taglayin kundi binubuo rin  nito ang ating moral at espiritwal na pagkatao. Sa huli, isa itong mabisa at natatanging paraan ng pagpapalaganap sa mga salita at utos ng Diyos upang maisabuhay ang mga ito at lalong mapagtibay ang ating pananampalataya.

Explanation:

Maraming mensahe ang naipaparating ng kwento ng "Ang talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan". Ngunit ang pinaka susing punto at mensahe ng kwento na ito ay, hindi lahat ng nasa itaas ay laging magiging nasa itaas. Maari silang bumaba sa hindi inaasahang paraan. At kasabay naman nito ang pagtaas ng nasa ibabang kalagayan. Kaya mahalaga na huwag magbulag bulagan sa kung ano ang kinagisnan. At gayundin, hindi dapat hamakin ang iba at tingnan ang sarili na mas nakatataas sa iba.