mga Espanyol sa Pilipinas. Ipinatawag ka ng kinatawan ng mga punong Espanyol at binigyan Panuto: Kung ikaw ay isang katutubong Filipinong nabuhay sa panahon ng pamamahalagya ka ng listahan ng mga patakararng ekonomiko na dapat mong isagawa. Isulat ang letrang M kung ito ay makakabuti at letrang HM kung ito ay hindi makabubuti sa ating pamahalaan. 1. Magbabayad ka ng buwis upang gamitin sa pagpapagawa ng mga kalsada at gusaling pampamahalaan. -2. Kinakailangang ipagbili ang iyong naaning palay sa pamahalaan sa mas mababang presyo. be 3. Maglingkod ka sa pamahalaan sa pamamagitan ng paggawa ng tulay at kalsada nang walang bayad. 4. Tuturuan ka ng makabagong paraan ng pagsasaka, pangingisda, pagmimina at mga gawaing metal. 5. Mapipilitan kang palitan ang pagtatanim mo ng palay dahil nais ng pamahalaan na tabako ang iyong itatanim. 6. Dagdagan ang buwis na iyong babayaran upang may magamit ang pamahalaan na pambili nang gagamiting pandigma. 7. Kinakailangang ipagbili ang naaning tobako sa pamahalaan sa mas mataas na presyo. 8. Malingkod ka sa pamahalaan na ang sweldo ay naaayon sa bigat ng trabaho. 9. Magbabayad ka ng malaking buwis upang madagdagan ang pondo ng Espanya. 10. Hindi ka papayagan na mag-alaga ng hayop tulad ng baka at kalabaw.