👤

Tingnan ang larawan sa loob ng kahon. Ibigay ang inyong ideya o opinyon nang may paggalang​

Tingnan Ang Larawan Sa Loob Ng Kahon Ibigay Ang Inyong Ideya O Opinyon Nang May Paggalang class=

Sagot :

Base sa larawan, isa itong tao na may kapansanan o depekto sa katawan.

Kung titigan nang mabuti, maiisip mong siya ay kumakayod o nagtratrabaho dahil siya ay nasa labas. Kadalasan ng mga ganitong tao ay hindi lumalabas dahil sila'y nahihiya o takot sa mga diskrikinaayon na maari nilang matanggap. Kaya para sa akin, siya ay nasa labas para kumakayod at mabuhay ang kaniyang sarili.

Bagaman talamak ang pagkutya at diskriminasyon sa kanila, makikita mong malakas at masipag ang lalaking ito. Kahit may kapansanan siya, hindi ito naging hadlang para makapaghanapbuhay siya o makalabas sa kanilang bahay, para magpatuloy na mamuhay. Labis kong hinahangaan ang mga katulad niya dahil nagsisilbi silang aral na kahit mahirap o may mga maaaring humadlang sa'yo, kailangan mo pa rin magpatuloy sa buhay dahil sa huli mo makakamit ang tagumpay at premyo sa tiyaga at determinasyong ipinamalas mo.