👤

Bakit kailangan ng Tao ang kapwa ​

Sagot :

Answer:

Answer:

Pakikipagkapwa

Ang pakikipagkapwa ay ang kakayahang makipag-ugnayan sa ibang tao. Naipakikita ito sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa, kakayahang umunawa sa damdamin ng iba (empathy), pagtulong at pakikiramay, bayanihan, at sa pagiging mapagpatuloy (hospitable).  

Dahilan kung bakit kailangan ng tao ang pakikipagkapwa

Ang isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay nagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan ng loob sa isang tao. Napatunayan sa mga pag-aaral na ang isang taong may matatag na samahan ng magkakaibigan ay madalang magkasakit, madaling gumaling, mahaba ang buhay, at may kaaya-ayang disposisyon sa buhay.  

Ang pakikipag-ugnayan ay nangangailangan ng pagsisikap upang ito ay mabuo, mapatatag, at mapanatiling makabuluhan at mabuti.  

Nakasalalay ang tagumpay nito sa kakayahan ng taong ibahagi ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paggalang, pagmamalasakit, pagtulong at paglilingkod sa kapwa.  

Mga Prinsipyo at Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa  

Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa sa pamamagitan ng:  

kakayahang umunawa sa damdamin ng kapwa  

pakikinig at pagsagot nang ayon sa sinasabi ng iyong kausap  

pagpapakita ng empathy o ng kakayahang ilagay ang sarili sa sitwasyon ng taong kausap, upang maramdaman ang kaniyang nararamdaman at maunawaan ang ibig niyang sabihin  

pagmamalasakit at pagiging maalalahanin sa kapwa  

pagtulong at pakikiramay sa kapwa  

pagsusumikap na mapanatili ang kapayapaan at kasiyahan  

pag- iwas sa mga sitwasyong magbubunga ng di pagkakasundo o pagtatalo.  

Para sa karagdagang kaalaman magtungo sa mga link na;  

Kahulugan ng Pakikipagkapwa-Tao: brainly.ph/question/1060571, brainly.ph/question/833022  

Explanation:

Answer:

PARA MAGTULUNGAN SA LAHAT NANG BAGAY

Explanation: