👤

Panuto: Iguhit ang simbolong puso (
paggalang sa opinyon ng kapwa at bituin
iyong kuwaderno
) kung ang sitwasyon ay naglalahad ng
naman kung hindi. Gawin ito sa
1. Masaya si Noel dahil walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa
kaniya ay nais niyang pumasok at matuto sa araw na iyon. Ayaw sumang-
ayon ni Noel dahil ibig niyang maglakwatsa. Hindi pinansin ni Tony si Noel.
2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina.
Binalak ni Grace na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si
Marian. Napagkasunduan ng dalawa na ipagbigay alam sa opisina ng Lost and
Found ang napulot na pitaka.
3. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit. Hindi sang-ayon si
Pedro sa sinabi niyang ito at tinawag siyang sinungaling.
4. Ang magkaibigang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang
iboto sa darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng
mga napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap ng magkaibigan ang
kanilang mga napagdesisyunan.
5. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa
kanilang pagsusuri, sinabi ni Jane na mas magaling ang unang kalahok.
Ngunit hindi sang-ayon si Bea dahil ayon sa kaniya ay mas magaling ang
ikalawang kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid.
1​