👤

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
1. Sino ang pinuno ng mga katutubo sa Isla ng Mactan na tumalo sa
pangkat ni Magellan?
A. Kolambo B. Humabon C. Lapu-Lapu D. Zula
2. Alin sa mga sumusunod na barko ng ekspedisyong Magellan ang bukod-
tanging nakabalik sa Espanya at nakapagtala bilang kauna-unahang
sasakyang pandagat na nakalibot sa mundo?
A. Conception B. San Antonio C. Trinidad
D. Victoria
3. Ang pangalang Pilipinas ay nagmula sa salitang “Felipinas" na hango sa
pangalan ng susunod na hari ng Espanya na si Felipe. Sinong
manlalakbay ang nagbigay ngalan sa bansa?
A. Alvaro de Saavedra
C. Ruy Lopez de Villalobos
B. Miguel Lopez de Legazpi
D. Sebastian Elcano
10​


Sagot :

Answer:

1.a

2.a

3.a

4.a

5.a

6.a

7.a

9.a

10.a

cool

Answer:

1. Sino ang pinuno ng mga katutubo sa Isla ng Mactan na tumalo sa

pangkat ni Magellan?

C. Lapu-Lapu

explanation:

Ang tunay  at aktuwal na pumatay kay Ferdinand Magellan ay walang iba kundi ang tauhan ni Lapu-lapu na si Sampong Baha na isang Boholano. Si Sampung Baha ay guro ni Lapu-lapu sa pakikipaglaban. Ang pangalang Sampung Baha ang ibig sabihin ay trabaho nya gumawa ng tagaharang sa baha, ngunit ibinigay ang parangal kay Lapu-lapu sa kadahilanan na siya ang pinunu ng hukbo o grupo.  

para sa karagdagang impormasyon tungkol dito:

https://brainly.ph/question/245917

2. Alin sa mga sumusunod na barko ng ekspedisyong Magellan ang bukod-

tanging nakabalik sa Espanya at nakapagtala bilang kauna-unahang

sasakyang pandagat na nakalibot sa mundo?

D. Victoria

explanation:

Ang Victoria (Vik·tór·ya) ay bantog bilang unang sasakyang- dagat na nakaikot sa mundo. Isa ito sa limang barko na ginamit ni Fernando Magallanes (Ferdinand Magellan sa Ingles) sa kaniyang ekspedisyon para sa España at para tumuklas ng bagong lupain at bagong daan sa paglalakbay papuntang Silangan. Ang apat pang barko bukod sa Victoria ay ang Trinidad (ang punòng sasakyan), San Antonio, Concepcion, at Santiago.

Ang Trinidad at Victoria ay nagsikap makabalik sa Europa. Nabihag ng mga Portuges ang Trinidad. Sa pamumunò ni Juan Sebastian Elcano, ang Victoria ay tumawid ng Karagatang Indian, umikot sa Africa, at matagumpay na nakauwi sa España noong Setyembre 1522.

3. Ang pangalang Pilipinas ay nagmula sa salitang “Felipinas" na hango sa

pangalan ng susunod na hari ng Espanya na si Felipe. Sinong

manlalakbay ang nagbigay ngalan sa bansa?

C. Ruy Lopez de Villalobos

explanation:

Ang nagpangalan sa Pilipinas ay walang iba kundi si Ruy López de Villalobos, isang manlalakbay na Kastila.