• - : •
- Thank you so much for your answers! <3
![Thank You So Much For Your Answers Lt3 class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d87/0c2811fa79f7975254fc4d78e2d3469d.jpg)
Answer:
Panahon ng Paleolitiko
-Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan makikita/nakikita ang pagbabagong-anyo ng tao. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Mababa, Gitna at Itaas. Ang Panahon ng Mababang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang Australopithecine. Ang Panahon ng Gitnang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula maihayag ng mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Panahon ng Itaas na Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbuo ng kalinangan ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.
Panahon ng Neolitiko
-Ang Neolitiko, kilala rin bilang "Bagong Panahong Bato", ay ang pangwakas na paghahati ng Panahon ng Bato, nagsimula mga 12,000 taon na ang nakalilipas nang lumitaw ang mga unang pagpapaunlad ng pagsasaka sa Epipaleolitikong Malapit sa Silangan, at kalaunan sa iba pang mga bahagi ng mundo. Ang dibisyong Neolitiko ay tumagal (sa bahaging iyon ng mundo) hanggang sa transisyonal na panahon ng Chalcolithic mula noong mga 6,500 taon na ang nakaraan (4500 BC), na minarkahan ng pag-unlad ng metalurhiya, na humahantong sa Panahon ng Tanso at Panahon ng Bakal. Sa ibang lugar, ang Neolitiko ay tumagal ng mas matagal. Sa Hilagang Europa, ang Neolitiko ay tumagal hanggang mga 1700 BK, habang sa Tsina ay umabot hanggang 1200 BK. Ang iba pang bahagi ng mundo (kabilang ang Oceania at mga hilagang rehiyon ng Amerika) ay kalakhang nanatili sa yugto ng pag-unlad ng Neolitiko hanggang sa ugnay sa Europa.
Panahon ng Metal
- Sa arkeolohiya, ang Panahon ng Bakal ay ang yugto ng kaunlaran ng sinumang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Kadalasang sumasabay ang mga ganitong paghiram sa mga ibang pagbabago sa lipunan, kabilang ang mga magkakaibang pagsasanay sa pagsasaka, mga paniniwalang pang-relihiyon.
Sa kasaysayan, pinakahuling prinsipal na panahon sa sistema ng tatlong-panahon para sa pag-uuri ng mga lipunang bago ang kasaysayan, nauna ang Panahon ng Tanso. Nag-iiba ang petsa at konteksto ng panahong ito, depende sa bansa o rehiyong pang-heograpiya.
HOPE IT HELPS PO!
MARK IT AS A BRAINLIEST.