👤

Ano ang mga pangyayaring naganap noong panahon ng bagong republika

Sagot :

Answer:

Maraming makasaysayang pangyayari ang naganap noong 1981. Isa na rito ang pagpapawalang-bisa sa Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa bisa ng Proklamasyon 2045.Ang hakbang na ito ni Marcos ay itinuring ng marami, lalo na ng mga tumutuligsa sa kanya na isang palabas lamang o isang pagkukunwari, sapagkat hindi pa rin ganap na naghari ang demokrasya sa bansa. Malinaw itong masasalamin sa ilang mga probisyon nito:

1. Magpapatuloy ang military sa pangangalaga at pagpigil sa krimen, insureksiyon, rebelyon, at subersiyon sa ilang lugar sa bansa.2. Mananatiling nakasuspinde ang Karapatan ng mamamyan sa writ of habeas corpus o karapatang maging malaya sa pag-aresto maging ang pagpapakulong nang walang paglilitis sa Rehiyon IX ng Kanlurang Mindanao at Rehiyon XII ng Gitnang Mindanao dahil sa kahilingan ng mga nakatira rito.

3. Manatili ang kapangyarihan ng pangulong bumuo ng batas at umaresto sa kalaban ng pamahalaan.4. Magpapatuloy ang proteksiyong ibinibigay sa pangulo at sa pamilya nito mula sa mga batikos at kritisismo sa pamamagitan ng Presidential Commitment Order (PCO) at arrest and seizure without warrant orders kung saan ang sinumang mapatutunayang lumalaban sapamahalaan ay maaaring dakpin at ikulong ng pulisya at militar.