Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng wastong konsepto at MALI kung hindi 1. Ang pagkakaroon ng malinaw na pagkilala at pagsaalang-alang sa mga personal na salik ay makatutulong sa wastong pagpili ng karera o negosyo na tatahakin. 2. Dahil likas na sa tao ang talento o kakayahan, hindi na ito nangangailangan pa na sanayin. 3. Ang pagsaalang-alang sa mga interes o hilig sa pagtatakda ng mithiin ay nakatutulong upang ito ay magiging makabuluhan. 4. Ang pagkakaroon ng interes o pagkahilig ay nakabatay sa mga pagpapahalaga ng tao 5. Sapat na na in-demand ang isang trabaho para ito ang piliing karera. 6. Hindi kailangan ang edukasyon upang magtagumpay, dahil sapat na ang pagiging masipag para maabot ito. 7. Tama na ibuhos ang buong atensyon sa pagkamit ng isang mithiin upang matiyak ang tagumpay 8. Nagiging makabuluhan ang tagumpay kung ito ay ibinabahagi para sa kabutihang panlahat 9. Ang taong may higit na mataas na kasanayan sa pamamagitan ng pormal na edukasyon - akademiko o teknikal-bokasyonal, o kaugnay na karanasan sa hanapbuhay ay higit na matagumpay sa merkado ng paggawa. 10. Mahalaga ang pagkakatugma ng mga personal na salik sa karerang pipiliin upang makamit ang mga mithiin sa buhay.