Isulat ang letra A kung tama, letra B naman kung mali. 1. Ang linyang manipis ay maliit at magaang tignan. 2. Ang mga linyang patayo at pahiga ay ang mga linyang hindi gumagalaw. 3. Ang iba pang katangian ng linya ay maaaring gumagalaw o hindi gumagalaw. 4. Mayaman sa kultura at sining ang ating bansa dahil sa kontribusyon ng iba't ibang pangkat etniko. 5. Ang linyang makapal sa disenyong etniko ay malapad at mabigat tignan. 6.Ang mga disenyong may etnikong motif ay makikita sa maraming bagay tulad ng banga, tela, damit, sarong, malong, panyo, cards, at iba pa. 7. Ang disenyong etniko ay nakapagpapaganda ng mga kagamitan. 8. Ang mga ethnic designs ay may mahahalagang kahulugan sa mga pangkat- etniko. 9. Ang ibang pangkat na naniniwala sa mga anito ay gumagamit ng mga hugis ng hayop, tao, halaman, bundok, araw, at iba pa upang ipakita ang kanilang kultura. 10. Isinasaalang-alang ang gusto ng gumagawa kahit saang okasyon o pagdiriwang ito gagamitin