Sagot :
Answer:
Ang pananaliksik (alt. pagsasaliksik) ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa."[1] Ito ang proseso ng pangangalap sa mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Ito rin ang "malikhain at sistematikong gawaing ginagawa para mapataas ang kaalaman."[2] Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu. Ang isang proyekto sa pananaliksik ay maaaring isang pagpapalawak sa napag-alaman na. Isinasagawa ang mga ito para mapahusay pa lalo ang pag-intindi sa isang partikular na paksa, o maaaring para sa edukasyon. Hinahanap ng pananaliksik kung de-kalidad ba ang isang instrumento, mainam ba ang isang pamamaraan, tama ba ang eksperimento, o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at teorya.