Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ayusin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pangunang lunas sa tamang pagkakasunod-sunod bago dalhin ang pasyente sa ospital. Isulat ang mga numerong 1-5 sa mga linya bago ang bilang.
____Pisilin ang ilong ng pasyente ng mga sampung minuto.
____Sa oras ng Balinguyngoy o Pagdurugo ng Ilong:
____Kailangang paupuin ang pasyente. Linisin ang ilong ng maligamgam na tubig.
____Idikit ang likod ng pasyente sa sandalan ng upuan.
____Maaari ng tanggalin ang pagkakapisil kapag tumigil na ang pagdurugo.