1Ang pang-uri ay salita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa _____________. A. pandiwa o pang-ugnay C. pangngalan o panghalip B. pantukoy o pang-ukol D. pangatnig o panuring
2. Nais kong magkaroon ng matibay na kompyuter. Ang pang-uring ginamit ay ______. A. panlarawan B. pantangi C. pamilang D. panunuran
3. Tigwalong modyul ang natapos ng magkaibigan na handa na nilang ipasa sa paaralan. Anong uri ng pang-uring pamilang ang ginamit sa pahayag? A. patakaran B. panunuran C. pamahagi D. pahalaga
4. Sino ang binatang nag-aral sa Europa na kababata at kasintahan ni Maria Clara? A. Kapitan Tiago B. Basilio C. Elias D.Crisostomo Ibarra
5. Siya ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya. A. Sisa B. Tiya Isabel C. Salome D. Maria Clara