1. Arkitekto ang tatay ni Juan. Isa itong dalubhasa sa pagguhit ng mga disenyo ng gusali. Ito ang kadalasang ginagamit ng isang arkitekto sa pagguhit. Ano ang tawag dito? A. Tape Measure B. 30° x 60° Triangle C. Protraktor D. Push-Pull Rule 2. Bibili ang kahoy si Mang Pedro sa sa Lumber shop ng kapitbahay. Gagawa siya ng mahabang mesa para gamitin sa fiesta. May anim (6) na piye ang kadalasang nabibili sa lumber. Paano nakasisiguro si Mang Pedro na tama ang haba ng kahoy?. Anong kasangkapan ang dapat niyang gamitin sa pagkuha ng tamang sukat? A. T-square B. Iskwalang Asero C. Zigzag Rule D. Tape Measure 3. Maglalaro ng basketball sina Lito at Tirso. Naatasan silang gumawa ng pabilog na guhit sa basketball court na gagamitin sa palaro. Kailangan nila ng pintura, brush at kasangkapang panukat. Ano ang tawag sa kasangkapang ito? A. Push-Pull Rule B. Tape Measure C. T-square D. 30° x 60° Triangle