👤

ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng awiting bayan ko?​

Sagot :

Answer:

Ang awiting Bayan Ko ay mayroong malawak na kahulugan. Sa unang saknong ng kantang ito, ipinamamalas at ipinagmamalaki ang kagandahan ng likas na yaman ng Pilipinas.  Isa ding nais ipahiwatig ng awiting ito ang pagkaakit ng mga dayuhan sa kahanga hangang turismo ng ating bansa. Ang koro naman ay nagpapahayag ng nais na kalayaan ng bansa mula sa pananakop na gumamit ng isang malayang ibon upang ilarawan.