1. Ano ang naging plano ni Don Pedro upang madala nila ang ibong Adarna pabalik sa kahariang Berbanya?
a. Pagbantaan si Don Juan upang ibigay ang ibong Adarna sa kaniya.
b. Itali si Don Juan sa puno upang hindi nila makasama sa pag-uwi.
c. Ipakain si Don Juan sa mababangis na leon sa gubat.
d. Patayin at iwanan na lamang si Don Juan sa gubat.
2. Ano ang naging bunga ng pagkainggit nina Don Diego at Don Pedro sa kanilang bunsong kapatid na si Don Juan?
a. Napahamak si Don Juan at kumanta ang ibong Adarna.
b. Nagkasundo ang magkapatid at gumaling ang kanilang ama.
c. Napahamak si Don Juan kaya hindi kumanta ang mahiwagang ibon.
d. Naging maayos ang relasyon ng magkakapatid na ikinatuwa ng kanilang mga magulang
3. Kung ikaw si Don Diego, ano ang gagawin mo kung mayroong nagsabi sa iyong saktan ang iyong sariling kapatid para sa pansariling kapakanan? a. Susunod lamang ako kapag mayroong perang kapalit nito.
b. Hindi ako magdadalawang-isip na sundin ito para sa pansariling kapakanan.
c. Susundin ko ito dahil gusto kung umangat ang aking buhay upang kaiinggitan ng lahat.
d. Hindi ko susundin dahil ang magkapatid ay kinakailangang magmahalan at magtulungan.
4. Bakit hindi umawit ang Ibong Adarna nang madala na ito nina Don Pedro at Don Diego sa kaharian?
a. dahil sinumpa ng ermitanyo ang Ibong Adarna upang hindi makakanta
b. dahil ayaw niya kay Don Pedro na nagdala sa kaniya sa kaharian
c. dahil hindi si Don Juan ang nagdala sa kaniya sa kaharian
d. dahil naiingayan siya sa kaniyang paligid
5. Ano ang masamang maidulot ng pagkainggit sa buhay ng ibang tao?
a. Nawawalan ng kumpiyansa sa sarili at naiiba ang direksiyon sa buhay.
b. Ginagawang batayan sa paggawa ng ikapapahamak sa sarili.
c. Mawawalan ng pag-asang maging maginhawa ang buhay.
d. Mahihirapang maabot ang mga pinapangarap sa buhay.