👤

Performance task Gumawa Ng isang Tula na nagpapakita Ng Pananalig SA diyos at paggalang SA Paniniwala Ng iba Tungkol SA Diyos.


pa help po kailangan ko po Ng correct answer ibrabrainliest answer ko po Yung correct answer nyo po


non correct answer
non help​


Sagot :

Answer:

Ako ay isang nilalang may paniniwala sa Diyos

Siya'y mabuti at mapagmahal na lubos

Kapag araw ng linggo ako ay sumasamba

Upang sa Diyos maipakitang ako ay may paniniwala

Sa gabi ako'y nananalangin upang kaligtasan ay aking kamtin

Paniniwala ng iba aking rerespetuhin

Dahil iisa lamang ang Diyos na aming pupurihin

Paghingi ng tawad sa Diyos ay aking laging hinihiling

Paglilingkod sa kanya ay labis na mahalaga upang sa araw na siya'y muling magparito tayo ay kanyang idadala sa bayang banal tunay na walang hirap

Panalangin ko sa Diyos nawa'y pamilya ko ay laging ligtas upang sila'y aking makasama hanggang wakas

Paghihirap ay aking nalalampasan,dahil sa Diyos ako ay may tiwala

Anumang hirap na ating natatamasa,pananalig sa Diyos ang susi sa ating mga pag asa

Purihin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa

Paniniwala ng iba dapat nating pahalagahan dahil yan ang utos ng Poong May kapal na dapat ang ating kapwa ay ating mahalin at igalang

Magpasalamat sa Diyos,maliit man o malaki ang ating natatanggap na biyaya

Sa bawat oras siya ay laging nandyan para tayo ay gabayan

Huwag nating sayangin ang ating buhay sa walang kabuluhan

Gamitin natin ito sa paglilingkod hanggat tayo ay nabubuhay

Pananalig sa Diyos ay ating ingatan dahil ito ang dahilan kung bakit tayo ay nabubuhay

Mga salita ng Diyos ay ating pahalagahan,dahil bawat salita ay makapangyarihan

Gamitin sa mabuti ang ating buhay

lumayo sa masama at mag bagong buhay

Sa tuwing tayo ay nasa kanyang tahanan atin itong igalang

Sa bawat kasalanan tayo ay humingi ng kapatawaran Paglilingkod sa kanya hanggat wakas ay ating pagtalagahan

Upang sa bayang banal tayo ay ihirang

Explanation:

sana po makatulong heheh pa brainlest po kung want yo