FILIPINO A. Isulat ang "opinion” kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pananaw, paniniwala o paninindigan at "reaksyon naman kung nagpapahayag ng damdamin, saloobin o emosyon. 1. Naniniwala ako na mas makabubuti kung lahat ay matututo at makapagbabasa nang sabay-sabay. 2. Labis ang aking kasiyahan sa ipinakikita ninyong pagmamalasakit sa ating mga kabarangay. 3. Hindi ako sumasang-ayon sa inyong iminungkahi sapagkat lalabag kayo sa batas kung itutuloy ninyo ang inyong plano 4. Ako ay natutuwa sapagkat naisip ninyo ang mga bagay na iyan 5. Hindi totoong walang magagawa ang isang kabataang tulad mo. Malaki ang maitutulong mo sa pag-unlad ng ating bayan. 6. Nakalulungkot ang nangyari sa aking kaibigan. 7. Nakatatakot ang bagong strain ng COVID-19. 8. Dapat maging masipag upang magtagumpay sa buhay. 9. Masayang-masaya ako para sa iyo! 10. Naniniwala ako na malalampasan din natin ang pandemyang ito.