👤

Ano-ano ang mga karapatan ng mga mamamayan Pilipino?

Sagot :

MGA KARAPATAN NG MGA MAMAMAYANG PILIPINO

(Karapatan at Pangangalaga sa Buhay) • Kiikilala ng Saligang- Batas na ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Walang sinuman ang dapat alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian nang hindi naaayon sa kaparaanan ng batas.

(Karapatan sa Kalayaan) • Bawat mamamayan ay may karapatang mapaunlad ang sarili, makapagpahayag, at makamit ang ninanais sa buhay.

(Karapatan sa Pagmamay-ari) • Malinaw na nakasaad sa Saligang-Batas na ang bawat mamamayan ay may karapatang magmay-ari ng bahay, lupa, sasakyan, kasangkapan at iba pang naaayon sa batas.

(Karapatan sa Edukasyon) • Nakasaad sa Artikulo 14 ng Saligang batas na ang Estado ay dapat magtayo at magpanatili ng isang sistema para sa libreng pampublikong edukasyon sa elementarya at hayskul.

(Kalayaan sa Pananampalataya) • Ito ay tumutukoy sa karapatan ng mga mamamayan na sumamba sa Diyos at tumanggap ng mga paniniwalang panrelihiyon.

(Kalayaan ng pamamahayag) • Nakasaad sa Saligang- Batas na ang mga mamamayan ay may karapatang maipahayag ang kanilang saloobin at damdamin sa pamamagitan ng malayang pagsasalita o pamamahayag.

(Karapatan sa Malayang Pagdulong sa Hukuman) • Ang lahat nang tao ay may karapatang dumulog sa hukuman, maging siya man ay nasasakdal o hindi, maging anupaman ang kanyang kalagayan sa lipunan.

(Gawain) • Makipagpareha sa katabi. Pumili ng isang karapatan ng mamamayang Pilipino na natalakay at magbigay ng maaaring tungkulin na kaakibat nito.