11. Saan nagmula ang salitang “Lanao” na nangangahulugang “lawa”. *
1 punto
a. Lanaw
b. ranao
c. danaw
d. sanaw
12. Pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay na nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totooat tunay. *
1 punto
a. Nagpapakita
b. Nagpapahiwatig
c. Kapani-paniwala
d. Lahat ng nabanggit
13. Tawag sa wikang sinasalita ng mga tao sa lalawigan ng Lanao Del Sur. *
1 punto
a. Tagalog
b. Meranao
c. Kapampangan
d. Waray
14. Ang mga sumusunod ay sumasalamin sa kuwentong-bayan maliban sa isa. Ano ito? *
1 punto
a. Kultura
b. Kaugalian
c. Suliraning Panlipunan
d. Batas
15. Isa sa mga layunin ng Kuwentong-bayan. *
1 punto
a. Kapupulutan ng mahahalagang aral sa buhay
b. Manudyo
c. Mabasa lamang ng mambabasa
d. Wala sa nabanggit
16. Uri ng akdang pampanitikan na ang pangunahing tauhan ay mga hayop na binigyan ng kakayahangmakapagsalita na animo’y tao. *
1 punto
a. Parabula
b. Alamat
c. Pabula
d. Mitolohiya
17. Ama ng mga sinaunang pabula na pinaniniwalaang isinilang sa taong 620 BCE. *
1 punto
a. Aristotle
b. Aesop
c. Plato
d. Socrates
18. Isang maliit na hayop na kahawig ng usa at halos isang piye (foot) lamang ang taas kapag nakatayo.
1 punto
a. Pilandok
b. kambing
c. tupa
d. aso
19. Nagpapalamig ang hayop kaya nakababad ito sa ilog. Ano ang kahulugan ng nagpapalamig batay sa panlaping ginamit sa salitang ugat na LAMIG. *
1 punto
a. Ginagawa ng tao o hayop para guminhawa ang pakiramdam lalo kapag mainit
b. Nagiging asal ng taong nagpapakitang ayaw na sa isang relasyon.
c. Nararamdaman ng tao kapag malamig
d. Taong madaling makadama ng lamig
e. Tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan
20. Lamigin si Joanna kaya lagi siyang nagdadala ng jacket. Ano ang kahulugan ng LAMIGIN batay sa panlaping ginamit sa salitang ugat na LAMIG. *
1 punto
a. Ginagawa ng tao o hayop para guminhawa ang pakiramdam lalo kapag mainit
b. Nagiging asal ng taong nagpapakitang ayaw na sa isang relasyon.
c. Nararamdaman ng tao kapag malamig
d. Taong madaling makadama ng lamig
e. Tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan