👤

ano ang kahulugan ng lagom?​

Sagot :

Answer:

Ang lagom ay tumutukoy sa isang mas maikling bersyon ng isang

mas mahabang teksto o sulatin. Lagom din ang katawagan sa gawain kung saan

pinapaikli at pawang kinukuha lamang ang mga importanteng punto sa isang

teksto, sulatin, o talumpati.

Halimbawang pangungusap:

Maganda ang ginawa mong paglalagom ng mga impormasyon mula sa

kuwentong napakahaba.