👤

lahat ng mga ito ay katangian ng soberanya palagian o permanente pansarili at patlang​

Sagot :

Answer:

1. SIBIKA 6 ANG SOBERANYA

2. Ano ba ang kahulugan ng soberanya?

3. Ang soberanya ay ang likas, kataas-taasan, at ganap na kapangyarihan ng estado na mag-utos at magpatupad ng kagustuhan nito na nangangailangan ng pagtupad ng tao.

4. 2 Aspekto ng Soberanya  internal o panloob na soberanya  eksternal o panlabas na soberanya

5. Internal na Soberanya kapangyarihan na mag-utos at pamunuan ang lahat ng tao sa loob ng teritoryo o hangganan ng bansa.

6. Eksternal na Soberanya kalayaan ng estado mula sa kontrol o panghihimasok ng dayuhang estado.

Explanation:

Sana tama hehe

Mga Katangian ng Soberanya Itinuturing na isang estado ang Pilipinas dahil sa pagkakaroon nito ng soberanya. Ang sumusunod ay mga katangian ng kapangyarihan ng soberanya: 1.Palagian o permanente Ang kapangyarihan ng estado ay palagian o permanente at hindi maaaring alisin ng sinuman habang may mga mamamayan na naninirahan sa sariling teritoryo nito at mayroon itong sariling pamahalaan. 2.Pansarili Ang kapangyarihan ng estado ay pansarili lamang. Ito ay para sa mga mamamayan at sa teritoryong nasasakop nito. Hindi ito maaaring masaklaw ng ibang estado. 3.Malawak ang saklaw Ang saklaw ng estado ay ang buong teritoryo nito.Sakop din nito ang lahat ng mga mamamayang naninirahan dito kasama na ang kanilang magiging anak. Bawat mamamayan, bata man o matanda at anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, ay may mga karapatan at tungkulin sa estadong kanyang kinabibilangan. 4.Di-naisasalin at lubos Ang kapangyarihan ng estado ay hindi maaaring isalin o ibigay kaninuman. Walang ibang estado o tao ang makapipigil sa kapangyarihan nito. Ang isang estado ay maaaring makipag-ugnayan o makipagkalakalan sa ibang bansa o estado, ngunit ang pagkamakapangyarihan nito ay hindi maibibigay o maisasalin sa iba. 5.Walang hanggan Ang bisa ng kapangyarihan ng isang estado ay walang hanggan. Mananatili ang bisa nito ngayon at hanggang sa mga darating na panahon

Paki Brainleast po pls