👤

Gawain 4: Mahusay na Pagdedesisyon Panuto: Ilagay ang sarili sa sitwasyon. Ikaw ay inutusan ng iyong nanay na pumunta sa palengke upang bumili ng mga pangangailangan sa bahay. Kailangan mong gumawa ng pagbabadyet sa halagang P500 piso na nakalaan para sa mga gastusin ng araw na ito. Paano mo ito pagkakasyahin? Ano-anong mga pangangailangan ng inyong pamilya ang uunahin mong bibilhin? Bakit? Ilagay ang sagot sa sagutang papel.​