👤

paniniwala ng humanismo​

Sagot :

Answer:

Ang pilosopiyang Sekular na Humanismo ay yumayakap sa katwiran ng tao, etika, hustisyang panlipunan at pilosopikal na naturalismo samantalang tumatakwil sa relihiyosong dogma, supernaturalismo, sudosiyensiya, o pamahiin bilang batayan ng moralidad at paggawa ng desisyon.

Ang pilosopiyang Sekular na Humanismo ay yumayakap sa katwiran ng tao, etika, hustisyang panlipunan at pilosopikal na naturalismo samantalang tumatakwil sa relihiyosong dogma, supernaturalismo, sudosiyensiya, o pamahiin bilang batayan ng moralidad at paggawa ng desisyon.Ito ay nagsasaad na ang mga tao ay may kakayahang maging etikal at moral nang walang relihiyon o paniniwala sa isang diyos. Gayunpaman, hindi ito nagpapalagay na ang mga tao ay likas na masama o mabuti o nagtatanghal na ang mga tao ay superior sa kalikasan. Sa halip, ito ay nagbibigay diin sa walang katulad na responsibilid na hinaharap ng sangkatauhan at ang mga kahihinatnan na pang-etika ng mga desiyon ng tao. Ang pundamental sa konsepto ng sekular na humanismo ay malakas na pananaw na ang ideolohiya kahit pa ito ay relihiyoso o pampolitika ay dapat buong sinusuri ng bawat indibidwal at hindi lamang simpleng tinatanggap o tinatakwil sa pananampalataya. Kasama nito, ang mahalagang bahagi ng sekular na humanismo ang patuloy na pagtanggap ng paghahanap sa katotohanan na pangunahin ay matatamo sa pamamagitan ng agham at pilosopiya. Hinahango ng maraming mga humanista ang kanilang mga moral na paniniwala mula sa pilosopiya ng utilitarianismo, etikal na naturalismo o etikang ebolusyonaryo. Ang ilan ay nagtataguyod ng isang agham ng moralidad.