Sa kasalukuyan, tayo ay narito sa tinatawag na social media era at digital age. Hindi maikakailang sa panahon ngayon, halos lahat ng bagay ay makikita mo na online. Maraming uri ng impormasyon ang maaari mo na ngayong makuha sa iyong mga social media accounts. Bagamanmaraming positibong naidudulot ang internet at social media, mayroon din itong mga kaakibat na negatibong epekto lalo na kung hindi responsable ang paggamit natin dito. Ayon sa isinagawang pag-aaral nina Rio Claire P. Carillo at ng kanyang mga kasamahan ukol sa Epekto ng Paggamit ng Social Media sa Paggamit ng Wika napag-alaman nila na may positibo at negatibong epekto ang paggamit ng social media sa wikang Filipino. Batay sa resulta ng pananaliksik, ang kadalasan na ginagamit na wika sa social media ay ang code switch o pagsasalitan ng paggamit ng dalawa o higit pang wika. Ito ay dahil maraming gumagamit ng social media sa buong mundo kung kaya’t naghahalo ang mga wikang ginagamit. Dahil na rin sa social media ay natuto tayong mga Pilipino kung paano gumamit ng ibang wika. Kaya’t masasabi na may malaking impluwensya ang social media sa pagbabago ng paraan sa paggamit ng wikang Filipino. - Halaw sa Pananaliksik na isinagawa nina Carillo,et.al., ukol sa Epekto ng Paggamit ng Social Media sa Paggamit ng Wika.
1. Tungkol saan ang talatang binasa mo ? Sagot:__________________________________________ 2. Ano-anong mga datos ang nakapaloob sa talata? Sagot:___________________________________________ 3. Paano napagsunod-sunod ang mga impormasyon sa talata? Sagot:___________________________________________ 4. Tama ba ang pagkakabalangkas ng mga datos? Sagot:___________________________________________ 5. Sa palagay mo, paano kaya nakuha ang mahahalagang impormasyong nabanggit sa talata? Sagot:____________________________________________