👤

23. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline? a. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa pagsasanay. b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal ng nagsasanay. c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng volleyball. d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anomang isports sa matagal na panahon.

24. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:

a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
d. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa

25. Alin ang pinakamahalagang layunin ng pagtuklas at pagpapaunlad ng angking talion at kakayahan?
a. Upang mapabuti ang sarili
b. Upang makatulong sa kapwa
c. Upang mapaunlad ang sarili at makapaglingkod sa kapwa
d. Upang mapaunlad ang sarili at maging sikat.


26. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng inlges. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?
a. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
b. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin
d. Lahat ng nabanggit


27. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon





Magbigay ng tatlong angkop na kilos sa pagpapaunlad ng sariling talento at kakayahan. (28-30) pa answer plss =))





Sagot :

Answer:

23. D

24. B

25. C

26. D

27. A

28. Maglaan ng panahon sa pagtuklas ng talento

29. Bigyan ng panahon upang paunlarin ang iyong mga talento

30. Huwag ikakahiya o itatago kailanman ang iyong mga talento

Answer:

23.A.

24.B.

25.C.

26.B.

27.A.

Explanation:

tayahin natin kung ano nga ba ang ating talento

Go Training: Other Questions