👤

paki sagot po ng tama​

Paki Sagot Po Ng Tama class=

Sagot :

Answer:

Paggalang sa Bandila ng Pilipinas – Ang ating bandila ay sumisimbolo sa sa ating nasyonalismo at katapan. Ang bandila ay isang importanteng simbolo ng kahit na anong bansa, sa bawat pagtingin dito, dapat katumbas ng paghanga at respeto.

Alamin ang mga isyung panlipunan – Kahit ang mga ordinaryong mamayan ay may karapatang alamin ang mga isyung napapaloob sa kanyang lipunan at bayan. Ito’y isang paraan ng pagsasabi na ikaw ay nagbibigay halaga sa bansa dahil ikaw ay nagbibigay pansin sa mga isyu dito at sa mga paraan kung paano ito mabibigyan ng solusyon.

Gamitin ang ating sariling wika – Ang ating wika ay isa sa mga pangunahing paraan upang ipakita ang ating kasarinlan at kalayaan. Sa pamamagitan ng pag gamit at pag-aral ng ating wika, binibigyan natin ng halaga ang ating sariling kultura at tradisyon.

Pagpapahalaga sa sariling lahi - Mahalaga ang pagkakaroon natin ng pagpapahalaga sa ating lahing pinagmulan. Sa panahon ngayon na laganap ang iba’t ibang impluwensiya mula sa mga nasa kanluran. Dapat na maging masusi pa sa pagkilala ng sariling kultura.

Katapatan sa pagsunod sa batas - Mahalaga ang pagiging tapat natin sa pagsunod sa mga batas na ipinapatupad. Sa ganitong paraan naipapakita natin ang tamang disiplina. Gaya ng simpleng pagsunod sa batas-trapiko. Ang pagtawid sa tamang tawiran ay may malaking bagay upang makaiwas sa disgrasya o anumang aksidente. Ganito rin ang mangyayari kung lahat ng drayber ay mabuting makasusunod sa mga batas. Mababawasan ang kaguluhan at magiging maayos ang daloy ng lahat.

Explanation: