👤

Subukin
Panuto: Isulat ang Tama kung ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng
katotohanan at Mali naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_______1. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay naglalaman ng nakasulat
na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito ay binubuo ng 2
salitang, sanay at pagsasalaysay.
_______2. Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na opinyon ng may-akda.
_______3. Ang talata ay binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkaugnay. Ito
ay binubuo rin ng pangunahing paksa at mga pantulong na detalye /
kaisipan.
_______4. Ang internet ay isang network ng mga computer at iba pang mga gadget. Ito rin
ay kombinasyon ng maraming website kung saan pwedeng maka-access ang
isang tao hindi lamang ng impormasyon kundi ng mga balita.
_______5. Ang pantulong na kaisipan ay ang mensahe na nakapaloob sa larawan o sa
isang sanaysay. Sinasabi nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuoang
larawan, mga pangungusap, o maikling kuwento
_______6. Ang pangunahing paksa ang sentro o pangunahing tema ng talata.
_______7. Ang pantulong na detalye/kaisipan ay tumutukoy sa mahahalagang kaisipan
o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap
_______8. Kadalasang makikita ang pangunahing paksa sa unang bahagi ng
pangungusap.
_______9. Ang sanaysay na Nang maging Mendiola ko ang Internet dahil kay Mama ni
Abegail Joy Yuson Lee ay nagkamit ng ikalawang gantimpala sa Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature para sa Kabataan Sanaysay.
_______10. Ang akdang Nang Maging Mendiola ko ang Internet dahil kay Mama ay isang
uri ng sanaysay na pormal.
_______11. Ang akdang Nang Maging Mediola ko ang Internet dahil kay Mama ay isang uri
ng sanaysay na di- pormal.
_______12. Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita, isa na naman iyan
sa mga pahayag ni mama”. Ang may salungguhit ay ang pantulong na
kaisipan.
_______13. Mahalagang matukoy ang mahahalagang kaisipan at saloobin na inilahad ng
may akda upang mabisang maihatid ang ideya.
_______14. Ang pantulong na kaisipan ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang
talata? o ano ang paksa o mensaheng nais ipaabot ng talata?”
_______15. Ang pangunahin at pantulong na kaisipan ay mahalaga upang lubos na
maunawaan ang isang talata ng isang sanaysay.