👤

II. Ibigay ang mga katangian ng isang entrepreneur. 16. 17. 18. 19. 20.

plsss pa answer naman oh kailangan kona po ngayon
wrong answer:report
nonse:report
correct answer:brainlest ​


II Ibigay Ang Mga Katangian Ng Isang Entrepreneur 16 17 18 19 20plsss Pa Answer Naman Oh Kailangan Kona Po Ngayon Wrong Answerreport Nonsereport Correct Answerb class=

Sagot :

1. Nakatuon ang pag-iisip sa layunin

Ang mga kilalang negosyante ay laging nakatuon ang pag-iisip sa kanilang layunin. Lagi silang abala sa mga bagay o aktibidad na sa tingin nila ay makakatulong sa paglago ng kanilang negosyo.

Ang oras nila ay nakalaan lamang sa mahahalagang bagay tulad ng pamilya, kalusugan at negosyo. Mapili sila sa gamit ng kanilang oras at naniniwala sila na mas higit ang oras kaysa sa pera. Ang oras ay nauubos kasalungat ng pera.


2. Marunong makisimpatiya at may malasakit sa iba.

Ang pagkakaroon ng simpatiya at malasakit sa iba ang nagbibigay oportunidad sa kanila paano maaaring makapagbigay serbisyo o makatulong sa paghihirap ng marami. Ang mga ganitong pagkakataon ay kadalasang nagbibigay daan sa pagsilang ng mga bago at malikhaing produkto o serbisyo. Ika nga, para kumita ng milyon, kailangan mo rin bigyan ng tulong o serbisyo ang milyong katao. Kaya sinasabi na ang halaga ng kita ay may direktang kinalaman sa lawak ng taong iyong natulungan o naserbisyohan.

Higit sa lahat tandaan na ang tagumpay ng negosyo ay nakasalalay kung gaano kahalaga ang kayang ibahagi nito sa tao. Dahil ang pagtangkilik sa isang produkto o serbisyo ay nakadepende sa kayang idulot na pagbabago sa pamumuhay o binibigay na kasiyahan sa tao.



3. Takot hindi umaksyon at harapin ang problema

Ang takot nila ay hindi nagmumula sa takot na magkamali. Bagkus mas takot sila hindi bigyan ng aksyon at harapin ang problema.

Para sa kanila, mas mainam na pagdaanan ang isang pagkakamali kaysa hayaan lamang ang problema at umasa ng magandang kahihinatnan. Dahil alam nila, maraming maaaring baunin na aral sa mga maling karanasan. Kumbaga, hindi ka talaga nagkamali, ika’y natuto lamang.



4. Malakas ang loob sumubok ng bago o kakaiba

Sila ay may lakas at tibay ng loob na sumubok ng bago o kakaibang negosyo. Ngunit bago sumabak ay may sapat na kaalaman o pananaliksik. Hindi basta basta pumapasok sa isang bagay na hindi lubusang pinag-aralan.



5. May disiplina sa paghawak ng pera

Isa sa magandang katangian ng magaling na negosyante ay ang pagkakaroon ng disiplina sa paghawak ng pera. Mahigpit sa paglabas ng pera at sinisiguro na ang mga gastos sa negosyo ay talagang kinakailangan at risonable.

Hindi sila mawaldas lalo na para sa kanilang sarili bagkus lahat ng mga kita ay ilalaan sa pagpapalago ng negosyo lalo na sa unang yugto.





Pwede rin

1.) Nakatuon ang pag-iisip sa layunin
2.) Marunong makisimpatiya at may malasakit sa iba
3.) Takot hindi umaksyon at harapin ang problema
4.) Malakas ang loob sumubok ng bago o kakaiba
5.) May disiplina sa paghawak ng pera


Kung ayaw mo ng explanation, pwede yan.



Hope this helps :)
#Carryonlearning

Answer:

16. Pinahahalagahan nang wasto at maayos ang mga produktong paninda.

17. Nagpapataw ng halaga sa orihinal na presyo ng produkto.

18. Binibigyan ng pagkakataon makabili ng iba pang bagay ang mga mamimili.

19. Ginagamit ang perang kinita sa importanteng bagay.

20. Ang mababang mamimili ang laging pinapahalagahan.

Explanation:

Goodluck to your Studies.